arduino air cooler

.code { background:#f5f8fa; background-repeat:no-repeat; border: solid #5C7B90; border-width: 1px 1px 1px 20px; color: #000000; font: 13px 'Courier New', Courier, monospace; line-height: 16px; margin: 10px 0 10px 10px; max-height: 200px; min-height: 16px; overflow: auto; padding: 28px 10px 10px; width: 90%; } .code:hover { background-repeat:no-repeat; }

Sunday, September 30, 2018

DC 100V 10A Red Blue LED Amp Dual Digital Voltmeter Ammeter Volt Meter Gauge

Kumusta mga sir dito nanaman tayo sa bagong tutuorial ang dc volt-amp meter na nabili ko sa halagang 188 pesos 





Ito ang kanyang Specifications:
  • Working current of Meter itself:≤20mA
  • Voltage Measuring range: DC 0 - 100V
  • Current Measuring range: DC 0 - 10A
  • Voltage resolution (V): ±0.1%
  • Current resolution (A): ±1%
  • Display: 0.28" digital tube, Two color blue and red
  • Operation Temp: -10℃-+65℃
  • Refresh rate: about 300mS / times
  • Dimensions:48mm*29mm*22mm


ngayon malabo ang diagram na binigay ng seller kaya naghanap ako ng ibang diagram sa internet


meron akong nakitang dalawang set-up


Set-up 1


Set-up 2


Sa set up 1 muna tayo ang ginawa ko ay nilagyan ko ng 12vdc supply ang volt-amp meter at nagtest ako ng maliit na load gamit ang cr2032 at 5mm led



at ang lumabas sa ating test ay d nya makita ang 20 milliamps na current



sa set-up 1 parin ay pwede na natin syang gawing volt meter lang kaya sinubukan ko ito ang kaya nyang i-test ay dapat 0-100 vdc


balik tayo sa pag testing sinubukan ko ang 12v na load ngunit d nya parin mabasa ang nasa 80milliamps halos kaya nagtest pa ako ng mas mataas na load ang 10w 12v na led na ayon kay ohms law nasa 830 milliamps dapat ang kanyang current drawn 



sa makatuwid ang lumabas sa aking testing ay nasa halos 1 amp na ang kanyang load bago nya ito mabasa ng tama sa voltage naman ay walang gaanong problema sa pagbabasa 


Tuloy na tayo sa set-up 2




Ganoon parin ang kinalabasan hindi nya parin kayang magbasa ng mababa na load

dapat nating tandaan na sa ganitong set-up d tayo lalagpas ng 30 vdc para maiwasan natin ang pagkasira ng ating volt-amp meter 


panoorin nyo ang buong video sa YouTube



bisitahin nyo rin ang aking page sa Facebook


kung may mga katanungan kayo ay magcomment lang po kayo 
maraming salamat sa pagbisita sa aking blog



note ang mga link na po yan ay affiliated link kung saan makakakuha ako ng commision kung kayo ay bibili ngunit ito ay hindi makakaapekto sa presyo ng produkto


Saturday, September 29, 2018

Switch



Mga klase ng switch



3 way switch kalimitang ginagamit sa hagdanan natin

3 way switch at 4 way switch

dalawang 4 way switch
paano gawing 4 way switch ang double pole double throw
Mga dapat tandaan sa pagamit ng switch 
una contact rating makikita natin ito sa switch mismo












para sa buong detalye panoorin ang video 








Shop on lazada

Thursday, September 27, 2018

Paano Gumamit ng Digital Multi Meter


Magandang Araw dito sa tutorial na to ay matututo tayong gumamit ng digital multi meter o kilala natin sa tawag na tester.
una sa lahat kelangan alam natin magbasa ng symbol ng ac at dc
ang ibig sabihin ng ac ay alternating current at ang dc naman ay dirrect current 

ito ang kanilang simbolo na kalimitan makikita natin sa ating mga tester


Simulan natin sa pag babasa ng DC voltage, kalimitan ang dc volts ay makikita natin sa mga battery o kaya power supply kagaya ng ating mga cellphone charger


una ilagay natin ang ating test probe (black) sa com at (red) sa vΩmA

tapos ilagay natin ang tester sa vdc 20

ang range at itest na natin ang battery dito sa picture na to tinest ko ang cr2032 na battery 

dito naman ang triple A na battery 

12 volt na battery


Ngayon sa ac voltage naman tayo ang test probe natin ay hindi natin aalisin sa com at vΩmA

ang itetest natin ay ac galing sa ating outlet 

ngayon ilagay natin ang tester sa ac 600

at ilagay na natin ang ating test probe sa outlet



ngayon i-test naman natin ang stepdown transformer
ilipat lang natin sa 200 ang selector ng tester at ilagay ang probe sa output ng transformer


isunod naman natin ang pag test ng resistance
 ilagay parin natin sa com at vΩmA 
ilagay din natin sa 2m ang tester ang ibig sabihin ng 2m ay 2million ohms ang kaya nyang mabasa 

ngayon icheck natin ang resistor na may value na 220kΩ kaya sa 2m natin ito nilagay


Itong resistor natin ay may kulay na red,red,yellow at gold.
dahil 2million ang ating setting 100k ang bababa sa decimal digit nito kaya ang tamang basa nyan ay 217kΩ




ang setting natin d2 ay nasa 20k ang resistor na binabasa natin ay  2.2kΩ ang kulay nya ay red,red,red,gold
ang basa natin sa tester ay 2.18kΩ o 2,180Ω
dahil ang setting natin ay nasa 20k ang decimal value nya ay 100's




ito naman ay 10kΩ  brown,black,black,red,brown
9.96kΩ  ang ating reading



Ngayon sa diode testing naman tayo bago tayo magtest ng diode ay papalitan ko muna ng aligator clip ang test probe ko para mas madaling magbasa


ilagay natin ang selector sa diode na simbolo
sa tester na ito kasama nya rin ang 2k sa resistance


i-test natin ang diode na 1N5401 may makikita tayong guhit sa diode na palatandaan na ito ang kanyang positive

kapag baliktad ang test probe dapat ito ay walang reading dahil kung meron maaring ang diode na tinetest natin ay sira na

ito namang diode na ito ay 1N4001









Ngayon naman punta na tayo sa pagbabasa ng amperahe na dc

ilipat natin ang test probe na pula sa 10ADC


ilipat natin ang selector sa 10A


Para makapag read tayo ng amperahe kelangan nating padaluyin sa test probe ang circuit ng ichecheck natin


ang reading natin ay 0.05Amps o 50 miliAmps
dito ay DC amp lang ang kayang basahin ng tester na ito mayroong mga tester na kaya magbasa ng ac at dc na amperahe




salamat sa pagdalaw sa aking munting blog sana ay may natutunan kayo kung mayroon kayong katanungan ay magcomment lang kayo at ito ay sasagutin ko 



Recomended Clamp Meter 
Uni-t UT210E
URXTRAL ZT102 Digital Multimeter

Air Cooler Control Conversion from Mechanical Switch To Digital using Arduino

Air Cooler Control Conversion from Mechanical Switch To Digital using Arduino Arduino Digital Input Tutorial Original Wiring Diagram ...