arduino air cooler

.code { background:#f5f8fa; background-repeat:no-repeat; border: solid #5C7B90; border-width: 1px 1px 1px 20px; color: #000000; font: 13px 'Courier New', Courier, monospace; line-height: 16px; margin: 10px 0 10px 10px; max-height: 200px; min-height: 16px; overflow: auto; padding: 28px 10px 10px; width: 90%; } .code:hover { background-repeat:no-repeat; }

Thursday, September 27, 2018

Paano Gumamit ng Digital Multi Meter


Magandang Araw dito sa tutorial na to ay matututo tayong gumamit ng digital multi meter o kilala natin sa tawag na tester.
una sa lahat kelangan alam natin magbasa ng symbol ng ac at dc
ang ibig sabihin ng ac ay alternating current at ang dc naman ay dirrect current 

ito ang kanilang simbolo na kalimitan makikita natin sa ating mga tester


Simulan natin sa pag babasa ng DC voltage, kalimitan ang dc volts ay makikita natin sa mga battery o kaya power supply kagaya ng ating mga cellphone charger


una ilagay natin ang ating test probe (black) sa com at (red) sa vΩmA

tapos ilagay natin ang tester sa vdc 20

ang range at itest na natin ang battery dito sa picture na to tinest ko ang cr2032 na battery 

dito naman ang triple A na battery 

12 volt na battery


Ngayon sa ac voltage naman tayo ang test probe natin ay hindi natin aalisin sa com at vΩmA

ang itetest natin ay ac galing sa ating outlet 

ngayon ilagay natin ang tester sa ac 600

at ilagay na natin ang ating test probe sa outlet



ngayon i-test naman natin ang stepdown transformer
ilipat lang natin sa 200 ang selector ng tester at ilagay ang probe sa output ng transformer


isunod naman natin ang pag test ng resistance
 ilagay parin natin sa com at vΩmA 
ilagay din natin sa 2m ang tester ang ibig sabihin ng 2m ay 2million ohms ang kaya nyang mabasa 

ngayon icheck natin ang resistor na may value na 220kΩ kaya sa 2m natin ito nilagay


Itong resistor natin ay may kulay na red,red,yellow at gold.
dahil 2million ang ating setting 100k ang bababa sa decimal digit nito kaya ang tamang basa nyan ay 217kΩ




ang setting natin d2 ay nasa 20k ang resistor na binabasa natin ay  2.2kΩ ang kulay nya ay red,red,red,gold
ang basa natin sa tester ay 2.18kΩ o 2,180Ω
dahil ang setting natin ay nasa 20k ang decimal value nya ay 100's




ito naman ay 10kΩ  brown,black,black,red,brown
9.96kΩ  ang ating reading



Ngayon sa diode testing naman tayo bago tayo magtest ng diode ay papalitan ko muna ng aligator clip ang test probe ko para mas madaling magbasa


ilagay natin ang selector sa diode na simbolo
sa tester na ito kasama nya rin ang 2k sa resistance


i-test natin ang diode na 1N5401 may makikita tayong guhit sa diode na palatandaan na ito ang kanyang positive

kapag baliktad ang test probe dapat ito ay walang reading dahil kung meron maaring ang diode na tinetest natin ay sira na

ito namang diode na ito ay 1N4001









Ngayon naman punta na tayo sa pagbabasa ng amperahe na dc

ilipat natin ang test probe na pula sa 10ADC


ilipat natin ang selector sa 10A


Para makapag read tayo ng amperahe kelangan nating padaluyin sa test probe ang circuit ng ichecheck natin


ang reading natin ay 0.05Amps o 50 miliAmps
dito ay DC amp lang ang kayang basahin ng tester na ito mayroong mga tester na kaya magbasa ng ac at dc na amperahe




salamat sa pagdalaw sa aking munting blog sana ay may natutunan kayo kung mayroon kayong katanungan ay magcomment lang kayo at ito ay sasagutin ko 



Recomended Clamp Meter 
Uni-t UT210E
URXTRAL ZT102 Digital Multimeter

No comments:

Post a Comment

Air Cooler Control Conversion from Mechanical Switch To Digital using Arduino

Air Cooler Control Conversion from Mechanical Switch To Digital using Arduino Arduino Digital Input Tutorial Original Wiring Diagram ...