arduino air cooler

.code { background:#f5f8fa; background-repeat:no-repeat; border: solid #5C7B90; border-width: 1px 1px 1px 20px; color: #000000; font: 13px 'Courier New', Courier, monospace; line-height: 16px; margin: 10px 0 10px 10px; max-height: 200px; min-height: 16px; overflow: auto; padding: 28px 10px 10px; width: 90%; } .code:hover { background-repeat:no-repeat; }

Friday, October 5, 2018

Arduino Tagalog

Kumusta mga kaibigan dito sa tutorial na ito ay tuturuan ko kayong gumamit ng arduino uno.
Ang arduino ay microcontroller na kalimitang ginagamit ng mga hobbyist na katulad ko sa una ay mahirap itong intindihin pero napakaganda nitong libangan at sa pagaralan kaya simulan na natin.

sa tutorial na ito ay gagamit tayo ng arduino uno r3 at arduino nano.



gagamit din tayo ng type b para sa arduino uno at mini usb cable para sa arduino nano


at syempre kelangan natin ng laptop o kaya ay desktop

ang arduino ay may labing apat na digital pin kung saan ang anim dito ay PWM at anim na analog pin


kelangan nating idownload ang arduino IDE sa website ng arduino.

Note kung ang arduino nyo ay naka CH340G na usb interface ic ay kailangan nyo ring i-download ang driver nito dito

isaksak na natin ang ating arduino sa pc o kaya laptop gamit ang ating usb cable
kapag nai-install na ang ating ide at buksan ito punta tayo
sa File -- Examples -- Basics -- Blink




tapos Tools -- Board -- (piliin natin ang board na gamit natin)  ang sakin ay Arduino/Genuino Uno


tapos Tools -- Port --  at (piliin ang port ng inyong arduino) ang sakin ay nasa port 3



kung gusto nyo makita ang port ay punta lang kayo sa windows control panel -- device manager at doon ay makikita nyo ang port ng inyong arduino, ito ang screen shot ng aking dalawang arduino uno at arduino nano

arduino uno with ch340g

arduino uno with atmega 16u2
arduino nano 

pag naitama na ang port at board i-upload na ang sketch sa ating arduino para mag blink ang built in LED nito ng kada isang segundo


at kapag naiupload na ay lalabas sa status ang done uploading

tingnan nyo ang inyong board kung nagbiblink na ang kanyang builtin LED.

paliwanag muna natin ang ating sketch na blink, ang mga makikita natin sa pagitan (/* )  (*/) ay tinatawag nating multi line comment para sa mga gumawa ng sketch na ito ay mailagay ang impormasyon na gusto nila at credits pero hindi ito kasama sa pagcompile ng ide sa ating micro controller



ang (//) naman ay single line comment





meron tayong dalawang pangunahing function ang setup at ang loop ang setup ay isang beses lang tatakbo kagaya ng pag deklara natin ng led ay output



kasi ang mga digital pin natin ay pwedeng input o output kaya kelangan nating sabihin sa micro controller na may nilagay tayong output sa pin na ginamit natin.

sa loop naman ay nilalagay natin ang code na gusto nating paulit ulit nyang gawin kagaya ng sa blink sketch natin 



Sa digitalwrite ay meron tayong dalawang value  na nakakulong sa open close parenthesis una ang pin na cocontrolin at pangalawa ay anong state (HIGH o LOW) pwede ring (1 o 0)

Ang delay(1000) naman  ay ang value nyan ay milliseconds kung saan ang 1000 milliseconds ay katumbas ng isang segundo.
pwede natin itong palitan ng mas mababa para mas mabilis ang blink ng ating arduino o mas mahaba para mas tumagal.

mga dapat tandaan: 
  • kada tapos ng isang linya ng code natin ay dapat lagyan ng semicolon ;
  • ang void setup at loop o mga function ay nagsisimula at nagtatapos sa curly braces { }
  • ang mga space, comments at multi-line comments ay hindi papansinin ng compiler natin
  • palaging itama ang port at ang board sa Tool tab.

ngayon gawa tayo ng ating circuit gamit tayo ng 
  • 5mm led
  • resistor
  • dupont cable 
  • breadboard

ang resistor na gagamitin ko ay 330Ω sa kadahilanang ang ating 5mm led natin ay 20 milliamps ang tipikal na current at ang ating arduino pins ay kayang magbigay ng 40 milliamps ayon sa arduino reference

sa ohm's law naman ang pag compute ng current ay
a=v/r ang v o ang voltage ng arduino ay 5volts at ang r natin o resistor natin ay 330Ω 

kaya 5/330 = 0.015 Amps o 15 milliamps safe na ito para sa ating arduino pin at led.

ngayon i-wire na natin ito ilagay natin ang red led sa breadboard ang maiksing paa o negative ay sa negative rail ng ating breadboard ikabit din natin ito sa ground (GND) ng ating arduin, ang mas mahabang paa naman ng led ay sa resistor at ang isang paa ng ating resistor ay ikakabit natin sa pin 13
dito ay makikita na natin ang ating led na pula ay nagbblink kasabay ng ating builtin led sa kadahilanang dito ito naka konekta sa pin 13, magdagdag pa tayo ng led na berde at resistor ilagay naman natin ito sa pin 7 ng ating arduino.




ngayon gawa tayo ng bagong sketch 

sa setup ay ideklara natin na output ang ating pin 13 at pin 7
sa loop naman ay sindihan natin silang dalawa gamit ang digitalwrite 
iclick natin ang upload sa unang gawa nating ng sketch ay ipapasave satin ng ide ang ating project ilagay nyo lang ang kahit na anong pangalan ang gusto nyo para sa project na ito sakin ay default lamang

pagkatapos iupload ay makikita natin na bubukas lang ang ating dalawang led ngayon lagyan natin ito ng delay at para sila ay magblink ng salitan.

magdagdag din tayo ng isa pang led na blue at resistor ilagay naman natin ito sa pin 6 ng ating arduino.


pwede rin nating i deklara ang ating mga pin sa Global variable
ito ay ginagawa sa bago ang void set-up
ang gled, rled, bled ay aking pinangalan lamang pwede nyong ibahin ang sa inyo.


pwede rin tayong magdeclare ng local variable kagaya nitong ginawa ko sa delay



dito kaya natin ito tinawag na local variable sa kadahilanang nasa loob lang ito ng isang function ang void loop at d2 lang din natin sya tinawag, 

ang global variable natin ay tinawag natin sa setup at sa loop kaya hindi natin sya pwede ipasok sa setup lang o sa loop lang.

para sa buong video panoorin nyo sa Youtube


bisitahin nyo rin ang aking Facebook Page

affiliated link buy at Lazada 


Air Cooler Control Conversion from Mechanical Switch To Digital using Arduino

Air Cooler Control Conversion from Mechanical Switch To Digital using Arduino Arduino Digital Input Tutorial Original Wiring Diagram ...